2 Suspek sa Pagsabog sa Cubao, Arestado

LIMANG KATAO ang sugatan matapos ang pagsabog kamakalawa ng gabi sa bahagi ng EDSA, Aurora Boulevard, Cubao. Nasa kamay na ng pulis ang dalawa sa apat na suspek sa pagsabog.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Quezon City Police Station-10 Commander S/Supt. Marcelino Pedrosa, nabatid na paghihiganti ang maaring naging motibo ng mga suspek sa insidente.

Kinilala ang mga ito na sina Romeo Modular, 50, at Romnick Kintcha, 24, construction worker sa Santolan, Pasig.

Habang ligtas na at nakauwi ang limang biktima sa insidente.

Dagdag pa ni Col.Pedrosa, nagkaroon umano ng ‘di pagkakaintindihan sa presyo ng kinuhang babaeng bayaran, nagback-out ang mga suspek na naging dahilan ng bugbugan.

 (PARAZZI REPORTORILA TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.