2 Suspek sa Pagholdap at Pagpatay sa bank collector, tiklo

CAGAYAN DE ORO City – Nahuli ng pulisya ang dalawang suspek sa

pagholdap at pagpatay sa isang kolektor ng Manticao Rural Cooperative Bank sa bayan ng Lugait, Misamis Oriental.

Kinilala ng mga kinauukulan ang mga naarestong suspek na sina Ruel Noro, 26, at Carmelito Maglangit, 29, kapwa residente ng Lanao del Norte.

Una nang kinilala ang biktima na si Ariel Ubagan, 29, residente ng bayan ng Manticao.

Naglalakad umano si Ariel nang bigla na lamang holdapin at barilin ng mga suspek.

Tinamaan ng bala sa kanyang ulo ang biktima na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Sa isinigawang follow-up operations ng mga awtoridad, kanilang nahuli kamakailan ang mga suspek, kung saan nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang isang .45 kalibreng armas.

Hindi naman sinabi ng mga pulis kung magkano ang pera na nakuha ng mga suspek mula sa nasabing bank collector. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.