2 Sunog sa Valenzuela City

DALAWANG LIBONG pa-milya ang nawalan ng ta-hanan at aabot sa limang milyong piso ang halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy sa naganap na magkasunod na sunog kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Sa ulat ng tanggapan ng Bureau of Fire Protection-Valenzuela City, dakong alas-3:00 ng hapon nang magsimulang masunog ang pabrika ng packaging tape sa JYV Cmpd., Paso De Blas ng lungsod.

Dahil sa kapal ng usok ay nahirapang apulahin ng mga bumbero ang apoy kung saan tumagal ng dalawang oras.

Sinasabing nagsimula ang sunog dahil sa spark ng welding na bumagsak sa isang bagay hanggang sa magliyab malapit sa nasabing pabrika.

Umabot sa P1M halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy.

Samantala dakong alas-2:38 kahapon ng madaling araw nang sumiklab ang sunog sa Tampoi 2, Marulas ng lungsod kung saan aabot sa 500 kabahayan ang natupok ng apoy.

Dalawang libong pa-milya naman ang nawalan ng tirahan sa sunog na tumagal ng mahigit na dalawang oras.

Sinasabing isang motorsiklo ang biglang su-

mabog sa nasabing lugar na naging dahilan ng sunog kung saan tinatayang aabot sa P4 milyon ang napinsala.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.