2 Sundalong Napatay, Nagmu-Moonlighting – AFP

INAMIN NI Maj. Gen Edgardo Rene Samonte, commander ng Air Education and Training  Command  ng Philippine Airforce na tauhan nila ang dalawang sundalo na kabilang sa napaslang sa Atimonan, Quezon.

Ayon sa opisyal, kani-lang iimbestigahan kung bakit napasama sina 1st class Jimbean Justianin at Staff Sgt. Armando Lescano sa nasabing insidente.

Gayunman, sinabi ni Samonte na ngayon ay blangko pa sila hinggil sa pagkakasangkot nina Justiniani at Lescano sa Atimonan shootout.

Subalit malakas ang hinala nila na nagmu-moonlighting o rumaraket sa labas ng AFP ang dalawa.

“Kaming lahat ay puro sariling haka-haka lamang sa ngayon at ito ay puro speculation. Pero ang lumalabas ay medyo kung itong ating isip ay nagmu-moonlighting, ‘yan ay medyo malinaw dahil malayo ‘yan umabot sila sa Bicol, umabot sila sa Quezon na hindi dapat nandudu’n at merong nangyari na ganu’n. So it seems na they were moonlighting, of course obviously for a fee,” ayon sa heneral.

Sinabi naman ni AFP Spokesman Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., naka-handa silang makipagtulungan sa binuong fact finding body ng PNP kaugnay sa pagkakasangkot ng dalawang sundalo.

(EUNICE CALMA)

loading...

One thought on “2 Sundalong Napatay, Nagmu-Moonlighting – AFP

  1. Pingback: 2 Sundalong Napatay, Nagmu-Moonlighting – AFP - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.