2 Sundalong Escort sa PCOS, Tinambangan

NASA KRITIKAL na kondisyon ngayon ang dalawang sundalo ng 17th Infantry Brigade ng Philippine Army matapos paulanan ng bala ng baril nang hindi nakilalang armadong grupo sa Sitio Pasiking Naneng, Kalinga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis sa Kalinga Police Station, dadalhin sana ng mga miyembro ng Commission on Elections at ng sundalo ang mga PCOS machine sa Lubuagan at Tinglayan, kahapon ng umaga.

Base sa report na natanggap ni Roger Salvador, commanding officer ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army naganap ang pananambang dakong alas-9:30 ng umaga sa Sitio Pasiking Naneng.

Na naging dahilan ng malubhang pagkasugat ng dalawa sa mga sundado ng 17th Infantry Brigade ng Philippine Army.

Kinilala ang mga sugatan na sina Sgt. Bacacao at Sgt. Pataguan na nga-yon ay nasa isang ospital ng Lubuagan, Kalinga.

Bunsod nito’y masuwerteng walang nasugatan sa mga personnel ng Comelec at nasa ligtas na ring sitwasyon ang mga PCOS machine na kanila sanang dadalhin sa nasabing munisipyo.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit at clearing operation ng mga miyembro ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army at ng Kalinga PNP Provincial Police Office sa pinangyarihan ng ambush.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.