2 Sundalo, Sugatan sa Panghaharas ng NPA sa Misamis Oriental

SUGATAN ANG DALAWANG sundalo nang tambangan ang mga ito ng umano’y miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Salay sa Misamis Oriental kamakalawa ng gabi.

Ayon kay 58th IB commanding officer Lt. Col. George Banzon,  pasado alas-8 ng gabi nang pagbabarilin ang patrol base ng militar sa Barangay Alipwaton.

Hinala ni Banzon, panggugulo lamang ang motibo ng mga rebelde saka tumakas sa hindi malamang direksyon.

Itinanggi naman ng opisyal ang pagkakakilanlan ng mga nasugatan para sa seguridad ng mga ito.

Nilinaw ng militar na walang kinalaman ang nasabing pamamaril sa pananambang ng mga miyembro ng lawless elements ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lalawigan ng Basilan at Zamboanga Sibugay.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.