2 Sundalo, Patay sa Vehicular Accident

PATAY ANG dalawang miyembrong 27th Infantry Battalion Phillipine Army sa nangyaring vehicular accident sa national highway sa bayan ng Tupi, South Cotabato.

Ayon kay S/Insp.Verlen Pampolina, deputy chief of police ng Tupi-PNP, kinilala nito ang mga biktima na sina Akip Toto at Alsibar Salip Sapri.

Sinabi ni Pampolina na sakay ng XRM motorcycle na may plate number 1920-MK ang mga biktima mula sa isang gasoline station pabalik sa kanilang kampo nang mangyari ang aksidente.

Mag-o-overtake sana ang motorsiklo na sinasakyan ng mga sudalo sa sinusundan nilang sasakyan sa left side lane ng national highway nang makasalubong nito ang itim na Toyota Vios na may plate number ZNE 132 Toyota Vios na papuntang lungsod ng Koronadal.

Sumalpok ang motorsiklo ng mga biktima at ang nasabing kotse na minamaneho ni Joseph Cruz Nalos na residente ng Marikina City at kasama nitong si Shiela Yuson na taga-General Santos City.

Dead on the spot ang sundalong driver ng motorsiklo na si Toto, samantalang nasawi naman sa ospital ang kasama nitong si Sapri.

Samantala, nasa kustodiya na ng Tupi PNP ang driver ng kotse.

Napag-alaman rin na pag-mamay-ari ng United Laboratory Incorporated ang naturang kotse.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.