2 Sundalo, Patay sa Ambus ng NPA sa Kalinga

TUGUEGARAO CITY – PATAY ang dalawang sundalo matapos tambangan ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Balbalan, lalawigan ng Kalinga.

Batay sa ulat ng 501st Infantry Brigade ng Philippine Army na nakabase sa lalawigan ng Kalinga, nakilala ang mga nasawi na sina Cpl. Jeffrey Delos Santos ng Tuguegarao City, Cagayan; at Pfc Micholle Alipio ng Allacapan, Cagayan.

Patungo ang tropa ng militar at non-government organizations para sa isasagawang medical mission sa Brgy. Dao-angan, Balbalan nang tambangan sila ng humigit-kumulang 15 NPA kahapon.

Tumagal ng halos isang oras ang nangyaring bakbakan pero wala naman umanong nadamay na sibilyan sa gitna ng labanan.

Naniniwala naman ang pamahalaan na mayroong nasawi at nasugatan sa panig ng mga rebelde dahil sa mga bakas ng dugo sa pinangyarihan ng insidente.

Sa ngayon ay nagpa-patuloy ang hot pursuit operation ng kasundaluhan laban sa mga nakatakas na NPA.

Samantala, naiuwi na ang labi ng mga napaslang na sundalo sa kani-kanilang mga tahanan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.