2 Sundalo, Patay; 3 Sugatan sa Engkwentro sa NPA

KASALUKUYANG TINUTUGIS ng militar ang mga kasapi ng New People’s Army (NPA) na nakasagupa sa Tabuk City, Kalinga na nagbunga ng pagkasawi ng dalawang sundalo at pagkasugat ng tatlong iba pa.

Nangyari ang sagupaan matapos paputukan ng hindi pa batid na bilang ng mga NPA ang tropa ng 17th Infantry Batallion Philippine Army sa Barangay Tumwengan,Tabuk City, Kalinga.

Ayon sa 5th Infantry Division Philippine Army sa Gamu, Isabela, ang mga killed in action ay sina Cpl. Dominador Concordia; at Pfc. Rey Raagas; habang ang mga nasugatan ay sina 2Lt. Cesar Carcido; Pfc. Manuel Langga; Pfc. Kennedy Sallaya, pawang tubong lalawigan ng Cagayan.

Mayroon ding nasugatan sa mga rebelde pero hindi pa ito nakumpirma kung ilan.

Samantala, ang labi ng mga namatay na sundalo ay dinala sa Funeraria Carbonel sa Bolanao, Tabuk City, habang ginagamot ang mga nasugatan sa isang ospital sa Tuguegarao City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.