2 SUNDALO, 2 PA SUGATAN SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO

RIZAL – APAT NA katao ang malubhang nasugatan kabilang ang dalawang miyembro ng Philippine Army matapos na magsalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo kahapon ng hapon sa bayan ng Tanay.

Kinilala ni Rizal PNP director P/Sr. Supt. Manuel Prieto ang mga biktima na sina Walter De Guzman,38 anyos, may-asawa at Elizabeth Peralta,33 anyos,may-asawa kapwa nakatira sa 1841 st., Brgy. 493, Zone 49, Sampaloc, Manila.

Ginagamot naman sa V. Luna Hospital sina PFC. Harvy Flores Anoy at PFC Benedict Gaspar parehong nakatalaga sa 76IB PA, Camp Capinpin sa nasabing bayan.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 5:30 ng hapon sa Sampaloc Road, Sitio Balimbing, Plaza Aldea, Tanay, Rizal.

Nabatid na sakay ang dalawang sundalo ng isang Suzuki Raider(WM-5307) habang sakay din ng Honda XR 200(UK-6883) sina De Guzman at Peralta at kapwa tinatahak ang naturang kalsada sa magkasalungat na direksiyon.

Ayon sa mga saksi biglang sinakop ng motorsiklo na sinasakyan ng dalawang sundalo ang kabilang lane ng kalsada dahilan para masalpok sila ng sinasakyang motorsiklo nina De Guzman at Peralta.

Ang mga biktima ay dinala sa Tabay General Hospital bago inilipat sa V. Luna Hospital sa Quezon City.   (GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.