2 Sundalo; 1 Sibilyan, Patay sa Landmine

BINAWIAN NG buhay ang dalawang sundalo at isang sibilyan nang masabugan ng landmine sa Brgy. Buhay, Makilala, North Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Pfc Isnirol Musa at Pfc Celestino Alejandro, Jr., kapwa nakatalaga sa 40th Infantry Battalion Phil. Army, habang binawian din ng buhay si Postilo Egkil na nagsilbing guide ng militar.

Ayon kay 6th Infantry Division public affairs chief Col. Prudencio Asto, nagsasagawa ng combat clearing operation ang isang platoon ng 40th IB ng Phil. Army sa pangu-nguna ni 2Lt Dorcesimo Duyag nang masabugan ng landmine na itinanim ng mga NPA.

Sinasabing minor injuries lamang ang tinamo sa paa ni Egkil ngunit nang magtago ito kasabay ng pagsabog ay aksidente itong nahulog sa isang malalim na bangin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.