2 Sugatan sa Sunog sa Malabon

SUGATAN ANG dalawang katao habang 20 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa Malabon City ng lungsod.

Agad namang nagamot ang mga sugatan na sina Julito Bernales, 43; at Flordeliza Fuentes, 33 ng nasabing lugar matapos tamaan sa mga mukha ng mga nagliliparan na balde at timba mula sa mga residente na tumutulong maapula ang apoy.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa bahay ng isang Josephine Ramos dakong alas-7:35 ng umaga sa Catmon ng lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa lamang sa light materials ang mga bahay.

Dakong alas-8 ng umaga nang ideklarang fireout ang sunog na umabot sa second alarm.

Inaalam na kung magkano ang tinupok ng apoy at ano ang pinagmulan ng sunog.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.