2 Sugatan sa Saksak ng May Sayad

LABIS-LABIS ANG pagsisisi ng isang lalaki na inaresto ng mga kinauukulan dahil sa pananaksak sa dalawang kapit-bahay sa San Jose, Bula, Camarines Sur.

Kinilala ang salarin na si Bobby Castillano, 54.

Depensa ng suspek, may bumubulong umano kasi sa kaniya kung kaya nagawa niyang pagsasaksakin ang mga biktimang sina Melvin Pante, 28, at ang natutulog na si Rolly Sinosin, 16.

Nabigla na lamang umano si Pante na nag-luluto nang pasukin ni Castillano sa bahay at pagsasaksakin habang mahimbing naman na natutulog ang menor de edad sa katabing bahay nang atakehin naman ng suspek.

Sinabi pa ni Castillano na matagal na umano siyang nakararanas ng problemang ito sa pag-iisip na bigla na lamang aniyang umaatake.

Samantala, patuloy na ginagamot sa pagamutan ang dalawang biktima habang nahaharap naman sa kasong frustrated murder si Castillano.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.