2 Sugatan sa Pamamaril ng Sundalo

PINAGHAHANAP NG mga kinauukulan ang isang sundalo na tumakas ma-

tapos barilin ang dalawang katao, kung saan isa rito ay miyembro ng Davao City Anti-Crime Unit.

Kinilala ang salarin na si Sgt. Jaes Zabate, miyembro ng 39th IB, at nakatira sa Aliongto St., Leah Subdivision ng nasabing lungsod.

Base sa report, nakasagutan ni Zabate ang kapit-bahay nitong si Emmanuel Policarpio Vermon, 31, miyembro ng Davao City Anti-Crime Unit na humantong sa suntukan ng dalawa.

Pumagitna ang isang sibilyan na si Porferio Banhay Dacules kaya nahinto ang away ng dalawa, pero nagalit umano si Zabate at binunot ang kanyang baril at pinaputukan sina Dacules at Vermon na kapwa tinamaan sa puwetan.

Matapos ang pamamaril ay agad tumakas ang sundalo habang nasa ligtas nang kalagayan ang dalawang biktima.

Maliban sa kasong administratibo at kriminal, posibleng mahaharap din sa iba pang kaso si Zabate dahil sa umiiral ngayon na localized gunban sa buong lungsod ng nasabing lalawigan.

Personal na motibo umano ang dahilan ng pamamaril dahil may dati nang away ang dalawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.