2 Sugatan sa Karambola ng mga Sasakyan sa Capiz

NAGKARAMBOLA ANG anim na mga sasakyan matapos mawalan ng preno ang isang malaking truck sa harap ng Gaisano Mall sa Arnaldo Blvd. sa Roxas City, Capiz.

Aksidenteng nawalan ng preno ang kulay dilaw na delivery truck ng JC Gravel and Sand na minamaneho ni Renante Boledo ng Barangay Cabugcabug President Roxas, ng nasabing lalawigan kaya nasagasaan nito ang anim na sasakyan.

Unang nasagasaan ng truck ang mountain bike na minamaneho ni Bon Casser Mosquetta, Jr., sunod ang Mitsubishi Van ni Arnel Onasco, sinundan pa ng sasakyan ng isang Welter Newman, kasunod din kotse ni Carl Loey Fajardo, at ang motorsiklo na minamaneho ni Rennus Pabellonia, gayundin ang tricycle na sinasakyan ni Ricky Gacol na may pasahero na nakilalang si Cinderella Pansellano.

Base sa report, parehong nasira sa iba’t ibang bahagi ang anim na sasakyan samantalang sugatan naman ang sakay ng bike na si Mosquetta, driver ng tricycle na si Gacol at ang pasahero nito na si Pansellano na dinala sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

Samantala, nasa mga kamay na ng Roxas City PNP ang mga sinagasaang sasakyan samantalang plano naman na sampahan ng kaso na Reckless Imprudence Resulting to Multiple Physical Injury and Damaged to Property ang driver ng truck na si Boledo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.