2 Sugatan Sa Karambola Ng 4 Sasakyan Sa Mandaluyong

DALAWA ANG nasugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Mandaluyong City. Nangyari ang nasabing aksidente sa south bound lane ng Shaw Boulevard tunnel pasado alas-12:00 ng tanghali kahapon na nagdulot ng pagbagal ng daloy ng trapiko sa naturang lugar.

Ayon kay Layla Marcelo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, isinugod na sa The Medical City ang dalawang sugatang biktima.

Naalis na rin sa lugar ang mga sangkot na sasakyan na kinabibilangan ng dalawang SUV na may plakang AEU 306 at TPQ 218 habang ang dalawang sasakyan naman ay may plakang XSU 661 at NRQ 917.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng Mandaluyong City Traffic Sector sa naganap na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.