2 Sugatan sa Karambola ng 4 Sasakyan sa Antipolo

DALAWA ANG nasugatan sa karambola ng apat na sasakyan sa Sumulong Highway, sakop ng Barangay Mambugan, Antipolo City.

Sangkot sa karambola ang isang bus at isang Fortierra na may sakay na mga miyembro ng Pentecost Missionary Church of Christ na patungong Luneta para sa isang pagtitipon.

Dalawang pampasaherong jeep na umano’y unang nagkabanggaan ang ugat ng naturang insidente.

Una umanong bumangga ang isang jeep na biyaheng Cubao sa isa pang jeep na biyahe namang Marikina-Puto Puto.

Sumalpok ang ikalawang jeep sa bus na nabangga rin ng Fortierra.

Samantala, sinasabing isang pitong taong gulang na babae at isang lalaki na kinilalang isang ‘Larry Paja’ na kasama sa grupong patungo ng Luneta ang nasugatan sa karambola.

Sinabi naman ng drayber ng jeep na unang bumangga na si Raymond Destilo, nawalan siya ng preno bagama’t aminadong medyo matulin ang kanyang takbo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.