2 Sugatan sa Gumuhong Lupa sa Makati

SUGATAN ANG isang lola kasama pa ang kanyang apo matapos gumuho ang lupa ng kanilang bahay sa Barangay East Rembo, Makati City.

Kinilala ang mga biktima na si Leonora Ataysa, 59-anyos at Rodjun Ataysa, dalawang taong gulang, na kapwa isinugod sa malapit na pagamutan.

Batay sa ulat ng Makati City Command Center, dahil sa lakas ng pag-ulan, lumambot ang lupang kinatitirikan ng kanilang bahay dahilan upang gumuho ito.

Samantala, nasa ospital pa rin ang mga biktima at patuloy na ginagamot habang wala nang iba pang nai-report na nasawi o nasaktan sa naganap na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.