2 Sugatan sa Bumaligtad na Jeep sa Baguio

DALAWANG KATAO ang nasugatan matapos ang pagbaligtad ng isang jeep kamakailan sa lungsod ng Baguio.

Ayon sa driver na si Cliffton Gano Pablo, bigla na lamang nagkaaberya ang minamaneho nitong sasakyan na may plakang ACG 342 kung kaya’t bumaliktad ito.

Mabilis namang rumesponde ang Station 4 ng Baguio City Police Office, Emergency Medical Service at BB-PICAG sa pinangyarihan ng insidente kaya’t agad nadala sa Baguio General Hospital and Medical Center ang mga biktima.

Bagama’t patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa naganap na aksidente, kasong reckless imprudence ang maaaring kaharapin ng driver ng sasakyan.

Sinabi naman ni Pablo na handa nitong harapin ang kaso na ihahain laban sa kanya. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.