2 Starstruck Avengers, tiklo sa droga

ARESTADO ANG LIMANG lalaki, kabilang ang dalawang artista, matapos ang isinagawang buy bust operation ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa isang exclusive subdivision sa Antipolo City kamakalawa ng gabi.

Hindi pa napangalanan ang tatlong lalaki na sinasabing kabarkada ng dalawa pang artistang naaresto na produkto ng reality-based talent search program na Starstruck ng GMA-7 na sina Jeric Rizalado at Vivo Ouano.

Nakuha sa limang suspek ang 500 piraso ng Bangkok pills, marked money na ginamit ng poseur-buyer sa buy bust operation at pakete ng Marijuana, ayon sa pahayag ni PNP spokesman Agrimero Cruz, Jr.

Isinasailalim na ngayon sa imbestigasyon ang mga nahuling suspek sa Camp Crame. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

4 thoughts on “2 Starstruck Avengers, tiklo sa droga

  1. pag narinig niyo ang tinig ng mind readers.. mag comment ka!!!!!!!! sa fraud set-up sila.. nag huhusga ng mga inosenteng tao tulad ni mayor binay at ni sen.guinggona…..

  2. kawawa ka pre! k lang yan.. mag bago ka na.. hehe eto para sumaya ka.. ako nga pinagkakalat ng mind readers na pusher ako eh.. hahahaahahahahaaha pero di totoo.. if you hear about me, you’ll know how to reach me…

  3. Mga idolo ng kabataan modelo ginagaya tapos mahuli sa droga d lang gumagamit nagtutulak pa mga demonyo! Pag akong masunod dna kailangan ikulong yang mga taong yan i-salvage na agad lagyan ng sulat idolo ng kabataan drug adik kya pinatay.

  4. Pingback: 2 Starstruck Avengers, tiklo sa droga - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.