2 sosyal na snatcher, tiklo

ARESTADO ANG DALAWANG sosyal na snatcher kahit na gamit pa ng mga ito ang isang motorsiklo matapos hablutan ng kuwintas ang 70, anyos na lola sa San Mateo Rizal.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jeffrey Duran, 39 anyos at Amed Amba, 41 anyos kapwa nakatira sa Donya Petra, Brgy., Tumana Concepcion, Marikina City.

Kinasuhan naman ang mga suspek ng biktimang si Consuelo Marasigan, 70 anyos biyuda at nakatira sa Kambal Road, Brgy., Guitnang Bayan-2, San Mateo Rizal.

Sa imbestigasyon ng pulisya dakong 6:30 ng gabi naglalakad ang matanda sa Florencio St., Guitnang Bayan-2, nang tapatan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo na may plakang TM-8083 at basta na lamang hablutin ang kuwintas sa leeg nito at tsaka tumakas.

Dito na nagsisigaw si Lola Marasigan, na nakatawag pansin sa mga tambay at barangay tanod na siyang sumaklolo at hinabol ang dalawang  snatcher na nagresulta sa pagkakahuli.

Nabawi ang kuwintas na ninakaw at nakapiit na ang dalawang suspek sa detention cell ng pulisya habang inihahanda ang kaso laban sa mga ito.                                                                        (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.