2 sikat na artista, idedemanda ng dating ineendorsong produkto!

KILALA N’YO ba kung sino itong dalawang sikat na artista na kasalukuyang may hinaharap na demanda sa kanilang dating in-endorse na pampaganda o pampa-slim?

Ayon kasi sa aming very reliable source, hindi tinapos ng dalawa ang kanilang kontrata na kanilang pinirmahan. Masigasig ang nasabing kumpanya na bigyan ng leksiyon ang dalawang sikat na artista dahil nga baka gawin pa uli nila sa ibang kumpanya.

Nag-usap na nga raw ang manager ng dalawang bida natin at ng abogado ng kumpanya at malalaman natin kung ano ang kanilang napag-usapan.

Yes, mahal kong readers ng Pinoy Parazzi, sikat na sikat ang dalawa. Si female star ay napalakaki talaga at ganu’n din si male star.

Ang clue: si male star ay baka iwanan na ang showbiz dahil nga sa may gusto itong simulang career; si female star naman ay pamilya ng pulitiko.

O, gets n’yo na?

(By Fernan de Guzman)

Previous articleSikat na actor-politician, nag-isyu ng tsekeng walang pondo sa isang negosyante!
Next articleNagmamalaki!

No posts to display