2 Sekyu, Utas sa Holdapan

NASAWI ANG dalawang security guard ng sangay ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa Lucena City,Quezon Province matapos holdapin ng 10 armadong suspek kahapon.

Lumalabas sa pagsisiyasat na nagbababa ng pera mula sa armored van ang mga empleyado ng nasabing bangko nang biglang dumating ang mga suspek sakay ng Toyota Innova at Mitsubishi Adventure.

Mabilis na nagpaulan ng bala ang mga holdaper sa mga guwardiya, kung saan dalawa sa mga sekyu ang tinamaan at dead on arrival nang nakarating sa Quezon Medical Center.

Tumagal lamang ng limang minuto ang nasabing insidente na nasa sentro ng lungsod at nasa harap naman ng Lucena Cathedral.

Samantala, inaalam pa ng mga opisyal ng bangko kung magkano ang nasabat ng mga nakatakas na salarin at patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa naganap na holdapan.(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.