2 sekyu, nagduwelo; 1 todas

BUMULAGTA ANG isang security guard nang mabaril ito ng kanyang kabaro makaraang kapwa nag-agawan sa baril sa Quezon Avenue, Barangay III, Vigan City, Ilocos Sur.

Sa blotter ng Vigan City PNP, nakilala ang biktima na si Eris Barrel, ng Barangay Ubbog Kinabete, Pilar, Abra at security guard ng BQR Building.

Habang ang suspek ay kinilala na si Sg. Thor Perilla, residente ng Barangay Capangpangan, Vigan City at security guard ng Planters Bank.

Sa imbestigasyon, ma-tandang alitan ang pinag-ugatan ng krimen.

Sinasabing nagkaroon ng palitan ng maanghang na sailita ang dalawa kaya pinaputukan ni Perilla si Barrel sa ikaapat na palapag ng BQR Bldg .

Dito ay bumaba ang biktima mula sa 4th floor ng building at pinuntahan naman siya ng suspek hanggang sa nagkainitan at nag-agawan ng baril nang bigla na lamang umalingawngaw ang apat na beses na putok ng baril.

Tama sa dibdib, likod at braso ang tinamo ng biktima na kanyang ikinamatay at sa kamay naman ang tama ng suspek.

Arestado naman si Perilla at kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP-Vigan.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.