2-Seater Plane, Bumagsak sa Bulacan

KINUMPIRMA NG Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na may isang two-seater na eroplano ang bumagsak sa Plaridel, Bulacan.

Sinabi ni Operations Center ng CAAP, pasado alas-10:00 kahapon ng umaga nang bumagsak ang Cessna plane na may body no. RTC-8220.

Hindi pa malaman ang estado ng dalawang sakay ng eroplano.

Samantala, nabatid na pag-aari ng Leading Edge Flying School ang Cessna plane.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyaring  insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.