2 Sabungero, Kulong sa Pekeng Pera sa Sabungan

KULONG ANG dalawang lalaki matapos mahulihan ng mga pekeng pera sa loob ng sabungan sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Joel Pastolero, 41, ng San Gregorio, Gen. T. De Leon; at Fabian Martinez, 44, ng P. Santiago st., Paso De Blas pawang ng Valenzuela City.

Batay sa ulat, alas-9 ng gabi, nakatanggap ng tawag sa telepono ang mga pulis na may dalawang lalaki na nagbabayad ng pekeng P1,000 para sa entrance sa Caybiga Cockpit Arena sa Caybiga ng lungsod.

Nang respondehan ay nakuhanan pa ng mga pekeng P1,000 na umabot sa 13 piraso na naging dahilan upang dalhin sa presinto.

Inaalam na ng mga pulis kung saan nanggaling ang mga pekeng pera na balak ipusta sa sabong ng mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.