2 sa 6 Suspek sa Pagpatay sa HS student, Tukoy na

KINILALA NA ang dalawa sa anim na lalaki-ng kasapi ng isang gang na nakapatay umano sa isang 17-anyos na high school student sa South Signal Village, Taguig City.

Sinabi ni Police Senior Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police na kinilala ang dalawa sa mga salarin na sina Albert Diaz, 19-anyos, alyas “Kalawit”, at isang Kiano Torres na kapwa taga-Taguig City.

Bumibili lamang ng sigarilyo at may kausap na babae ang biktima sa isang sari-sari store nang napadaan ang grupo ng mga salarin.

Nagkasamaan umano ng tingin ang biktima at grupo ng mga salarin kaya nauwi sa bugbugan.

Matapos pagtulungang bugbugin ang biktima ay bumunot ng patalim ang isa sa mga suspek at sinaksak sa leeg ang biktima na agad nitong ikinasawi.

Samantala, tinutugis na ng mga kinauukulan ang mga nabanggit na suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.