2 sa 3 Suspek na Pumatay sa Bading, Tiklo

NADAKIP NA ang dalawa sa tatlong suspek na walang awang pumatay sa isang bading sa Dagupan City.

Nakilala ang mga salarin na sina Bryan Adams at Marlong Apoon na kapwa residente ng Barangay Naguilayan sa bayan ng Binmaley.

Nahuli ang mga ito sa kanilang bahay sa isinagawang follow-up operation ng mga kinauukulan.

Una rito, tadtad ng saksak at naliligo na sa sarliling dugo nang matagpuan ang biktimang si Joey Villanueva, isang parlorista ng David Salon sa Nepo Mall Dagupan na tubong Maynila.

Nangyari ang insidente matapos makipag-inuman ang bading na biktima sa tatlong suspek sa tinutuluyan nitong bahay sa naturang lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.