2 Road Accidents: 2 Patay, 3 Sugatan

NASAWI BAGO pa man gamutin sa General Santos City Hospital ang drayber ng single motorcycle matapos mabangga ng traysikad sa highway ng Barangay Baluan sa lungsod kagabi.

Ayon sa impormasyon, kinilala ang drayber ng motorsiklo na si Frederick Marayan na taga-purok Acharon, Barangay Calumpang, habang ang drayber ng traysikad ay nakilalang si Berto Solidario na sugatan din.

Sugatan din ang asawa ni Marayan na si Cecilia, 42, na dinala sa isang pribadong ospital at ang pasahero ni Solidario na si Rafael Uyanguren.

Sinasabing sobrang malakas ang impact ng banggaan at pinaniniwalaang tumama ang ulo ni Marayan sa sementadong kalsada na naging dahilan para bawian ito ng buhay.

Habang dead on arrival naman sa General Santos City Hospital ang isang matandang lalaki matapos mabundol ng isang jeep sa Chango Highway, Barangay Bawing sa lungsod.

Kinilala ang biktima na si Benito Rol, 70, habang nakapiit na ang drayber ng pampasaherong jeep.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.