2 Reporter ng Camanava, Naholdap

NABIKTIMA ANG dalawang reporter ng Camanava Press ng tatlong hindi pa nakikilalang mga holdaper habang ang mga una ay sakay ng pampasaherong jeep malapit sa presinto sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Sa pahayag ng mga biktimang sina Grande Del Prado ng Remate at Maeng Santos ng Bulgar, alas-9 ng gabi, sakay sila ng pampasaherong jeep at pagsapit sa C-4 Rd., Tonsuya ng lungsod ay biglang nagsampahan ang mga suspek.

Habang nakatutok ang mga patalim ay nilimas ng mga suspek ang mga kagamitan ng mga pasahero kabilang ang cellphone ni Del Prado habang pinalad si Santos na hindi napansin ang dalang cellphone.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang nagtuloy naman ang mga biktima kabilang sina Del Prado sa Police Community Precinct 3 na ilang metro lang ang layo upang ipaalam ang pangyayari.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.