2 Rapist, Tiklo sa mga Parak

CAMP GEN. ALEJO Santos – Hindi na nagawang makatakas pa ng dalawang lalaki na kapwa sangkot sa kaso ng panghahalay sa mga menor de edad sa dalawang bayan sa Bulacan.

Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni P/S Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang mga nadakip na suspek na sina  Alfonso Villanueva, 19 anyos, ng Brgy. San Juan, Balagtas; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Chona, 12 anyos.

Inaresto si Villanueva sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni Branch 18 RTC Judge Victoria Fernandez-Liban sa kasong Rape (RA 7610).

Kasabay nito, nadakip din ng mga  tauhan ni P/Supt. Boy Hernandez ang suspek na si Christian dela Cruz, 26 anyos, binata, negosyante, ng Brgy. San Roque, San Rafael.

Dakong ala-1:35 ng hapon nang madakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas din ni Judge Liban sa isa pang kasong Rape. Walang piyansang inirekomenda ang korte para sa kanilang kalayaan.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.