2 pulis tanggal sa pangongotong

AWTOMATIK NA PINATALSIK sa serbisyo ang dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP), makaraang mahuli sa akto ang mga itong nangingikil sa mga drayber ng pampasaherong jeep, truck at pribadong sasakyan na dumadaan sa kahabaan ng Mc Arthur High-Way, Valenzuela City.

Ang mga pulis na tinanggal sa serbisyo sa serbisyo ay nakilalang sina P03 Ariston Gamit at P01 Noel Cabanglan, pawang nakatalaga sa Valenzuela Police Mobile Car Patrol Group (VPMCPG).

Sa ipinadalang report ni P/Sr. Supt. Wilben Mayor, hepe ng Valenzuela police kay NPDO Dir. Chief Supt. Antonio Decano, agad nitong pinatanggal sa serbisyo sina Gamit at Cabanglan, nang aktong mahuli ang mga itong nangongotong.

Ayon kay Mayor, marami na siyang natatanggap na reklamo sa kanyang tanggapan hinggil sa lantarang pangingikil ng mga nasabing pulis sa mga driver ng pampasaherong jeep at mga delivery truck gamit ang kanilang mobile patrol car na may number 413.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng spot inspection na nagresulta sa pagkakahuli sa akto kina Gamit at Cabanglan na kinokotongan ang isang delivery truck sa tapat ng SM Supermarket sa Karuhatan, ng nasabing lungsod. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.