2 Pulis, Sinagasaan ng Lasing sa Checkpoint

KAPWA PILAY at ginagamot ngayon ang dalawang pulis makaraang sagasaan ang mga ito ng rumaragasang kotse habang nasa checkpoint sa harap mismo ng PNP Police Station sa bayan ng Mangaldan, Pangasinan.

Kinilala ang mga biktima na sina PO1 Noel Olanday at PO1 Mario Orabos, nakatalaga sa nabanggit na bayan at pawang mga residente rin sa Mangaldan.

Nakilala naman ang drayber ng kotse na si Ruben Montarnoda, nasa tamang edad, may-asawa at naninirahan din sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon, nagtalaga ng checkpopint sa harap ng mismong police station, kung saan nakatalaga ang mga biktima nang sagasaan ng kotseng kulay pula na minamaneho ni Ruben.

Paliwanag ni Montarnoda, hindi  niya nakontrol ang manibela bunsod ng kalasingan kung saan una na nitong nabangga ang dalawang tricycle hanggang sa araruhin ang dalawang pulis na nagbabantay sa checkpoint.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.