2 Pulis na Nagtangkang Pumatay sa Witness, Sisibakin

SINIGURO NG PAMUNUAN ng Police Regional Office 4 na maliban sa mga kasong kriminal at administratibo, irerekomenda rin nila ang summary dismissal sa dalawang  pulis na nagtangkang “magpatahimik” sa babaeng witness sa kanilang extortion case.

Sinabi ni PRO-4 Director C/Supt. Samuel Pagdilao na sinampahan na nila ng kasong criminal at administratibo sina PO2 Mario Natividad at PO1 Antenor Mariquit kapwa ng Cainta Police Station.

Ayon pa kay Pagdilao, maliban sa mga kasong kakaharapin ng dalawang pulis ay irerekomenda rin niya ang summary dismissal ng mga ito.

Matatandaang tinangkang patahimikin ng mga suspek ang 22-anyos na si Grace Natividad ng Angono, Rizal na siyang witness sa kasong extortion laban sa mga ito.

Si natividad, 4 na buwang buntis ay dinukot ng mga suspek sa bayan ng Cainta sakay ng kotse at agad na tinalian at nilagyan ng piring sa mata.

Pinagsasaksak din ng 24 na beses saka binaril sa paa bago itinapon sa madilim na bahagi ng Cavinti Rd., Nagcarlan, Laguna na himala namang nakaligtas sa tulong ng isang jeepney driver.

Nabatid pa na si PO1 Mariquit ay kalalabas lamang sa kulungan sa kasong panggagahasa sa isang 17-anyos sa lalawigan ng Rizal bago ang robbery extortion.

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.