2 Pulis, Dinis-armahan ng mga NPA

DINIS-ARMAHAN NG tinatayang 30 mga kasapi ng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng alas-2:30 ng hapon sa Purok 8, Barangay Bonbon sa lungsod ng Butuan ang dalawang miyembro ng Butuan City Police Station 3.

Kinilala ang mga bikima na sina SPO1 Walter Suralta at PO3 Romulo Lagarde na naka-assign sa warrant section ng Butuan City Police Station (BCPS-3).

Magsi-serve sana ng subpoena sa isang residente at pag-verify din sa report na may illegal logging sa Sitio Malanay ng nasabing lugar.

Samantala, nakuha mula sa pag-iingat ni Suralta ang posas, PNP ID, Sim Pack, battery ng cellphone at USB, habang kay PO3 Lagare naman ang isang 9mm Taurus pistol, isang magazine na may 10 mga bala ng nasabing pistola, posas, PNP ID, sim pack at cellphone battery.

Isinama ng mga rebelde na nakasuot ng itim na T-shirt ang mga pulis at pinalaya pagkalipas ng ilang minuto sabay takas sa ‘di pa malamang direksyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.