2 Pulis, Arestado sa Robbery at Kidnapping

RIZAL – NAGWAKAS ANG matagal nang pamemerhuwisyo ng hinihinalang sindikato ng robbery at kidnap for ransom matapos na maaresto ang apat na miyembro nito kabilang ang dalawang pulis kamakalawa ng hapon sa bayan ng Pililla.

Kinilala ni Rizal PNP Provincial director P/Sr. Supt. Manuel Cesar Prieto ang mga nasakote na sina PO2 Archie Alvarado, 34-anyos, may asawa, nakatalaga sa Provincial Investigation Branch ng Rizal PNP, residente ng Brgy. Bagumbayan, Pililla; PO2 Noel Montemayor, 40, may asawa, miyembro ng Tanay PNP; Ricardo Oliveros, 28, may asawa, residente ng Brgy. Darangan; at Ivan Iposada, 30, may asawa, residente ng Brgy. Kay Buto pawang ng bayan ng Tanay.

Kinilala naman ang biktima na sina Henrick Sarmiento, 34, may asawa,residente ng Brgy. San Jose, Morong; at Perry Teodoro, 39, ng Brgy. Dalig, Cardona.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-5:00 ng hapon sa National Road, Sitio Bugarin, Brgy. Halayhayin, Pililla, Rizal.

Ayon kay kay Sarmiento, sakay sila ng isang Yamaha Mio galing sa pakikipagtransaksiyon sa suspek na si Oliveros nang pagsapit sa hangganan ng Laguna at Pililla ay hinarang sila ng isang Toyota Lite Ace na may plakang GXL-715.

Sa takot ay ibinuwelta ng biktima ang sasakyan at tumakbo sa mataong lugar subalit hinabol sila ng mga suspek at minalas na maabutan si Sarmiento habang nakatakas si Teodoro.

Sa tulong ng isang concerned citizen, nai-report ang insidente sa Pililla PNP na agad namang humingi ng back-up sa Rizal PNP kung saan ay naglagay ng mga check point sa lahat ng exit point.

Nang masabat ang nasabing sasakyan, agad na bumaba si PO2 Alvarado na nagpakilalang miyembro ng pulis at nakatalaga sa Rizal PIB-RPPO.

Habang nakikipag-usap ang suspek sa mga pulis, biglang tumalon mula sa sasakyan ang biktima at nagsisigaw ng siya ay hinoldap ng mga suspek kung kaya’t agad na inaresto ang mga ito.

Samantala, agad namang ipinag-utos ni Sr. Supt. Prieto ang pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo sa mga suspek at ikulong sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) upang maiwasan ang whitewash sa kaso ng mga ito.

“Direktiba kasi ni chief PNP Gen. Raul Bacalzo na kapag ang kaso ay kagaya ng kaso ng mga akusado, dapat na sa BJMP ikulong para walang pagkakataon na maayos ang mga complainant,” ani Prieto.

Iniutos din ni Prieto ang “summary dismissal” proceeding sa serbisyo ng mga suspek na pulis.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “2 Pulis, Arestado sa Robbery at Kidnapping

  1. basta me kabalbalan nangyayari sa pinas, hindi pwedeng hindi kasama ang pulis sa katarantaduhan. kaya wala ako tiwala sa mga hayop na iyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.