2 pulis arestado sa extortion

NANGANGANIB NA TULUYANG masibak sa serbisyo ang dalawang pulis makaraang ireklamo ng umano’y kidnapping at extortion sa Laguna.

Kinilala ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director, Chief Supt. Samuel Pagdilao Jr. ang mga inaresto  na sina PO2 Jonathan Ricamonte, 36, miyembro ng Los Baños Police Station at PO2 Albert Mamalayan, 29, ng Louisiana Police Station.

Kasama rin ng dalawang pulis sina Marco Moncayo, 34, ng Brgy. Paciano Rizal, Calamba City at Renel Palinlagui, 40, ng Brgy. Lecheria.

Nag-ugat ang pagdakip sa apat nang dukutin umano ng mga ito si Rolando Montano, 39 anyos ng 87 P. Paterno St., Poblacion, Biñan City.

Sinasabing dinala si Montano ng apat sa isang lugar kung saan kanilang tinawagan ang ina nito na si Gloria, 63 anyos, para hi-ngan ng ransom.

Sinasabing nakipagnegosasyon si Gloria sa isang Sonny hanggang sa magkasundo sa P15,000.

Gumawa naman ng entrapment operation noong Lunes, dakong 11:00 ng tanghali ang pulisya kung saan nadakip ang apat.

Narekober sa mga suspek ang tatlong iba’t ibang klase ng baril, sachets ng shabu at bala.

Kasong kidnapping for ransom, illegal possession of firearms at paglabag sa anti-drug law ang inihahandang kaso laban sa mga suspek. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.