2 Preso, pumuga sa N. Cotabato

PINAGHAHANAP PA ang dalawa sa tatlong preso na nakatakas sa bayan ng M’lang, North Cotabao kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, unang nakatakas ang tatlo dakong alas-2 ng madaling-araw.

Nakilala ang mga suspek na sina Talsy Sanoy at Nasser Saoton, kapwa nahaharap sa kasong illegal possession of firearms at isang Ramil Sumaray na may kasong carnapping.

Sinabi naman ni M’lang Mayor Lito Piñol, nalingat umano ang mga pulis na nagbabantay kaya nakatakas ang tatlong mga inmates.

Sa ginawang follow-up operation ng M’lang PNP at 68th Infantry Battalion Philippine Army nahuli si Sumaray.

Habang patuloy pang tinutugis sina Sanoy at Saoton, na dating mga rebelde at pinaniniwalaang nagtatago sa loob ng Liguasan Marsh.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.