2 Polish Nat’l, Kalaboso sa Panggugulo sa AdCongress

NAGA CITY – ARESTADO ang dalawang dayuhan sa Camarines Sur matapos takutin at guluhin ang ilang kalahok at bisita ng 22nd Philippine Advertising Congress (AdCongress 22).

Kinilala ang mga ito na sina Alex Rozik, 22; at Macly Schima, 26, pawang mga taga-Poznan City, Poland.

Ayon kay PO2 Elmer Garbinez ng PNP Pili, sinabi nito na nasa impluwensiya ng alak ang mga suspek nang manggulo at mag-ingay sa loob ng isang bar sa CamSur Watersports Complex (CWC), kung saan kasalukuyang ginaganap ang AdCongress.

Napag-alaman pa na isang babae rin ang nagreklamo laban sa dalawang Polish dahil sa panghihipo ng mga ito.

Dahil sa pasaway ang dalawang dayuhan, naalarma at natakot ang mga bisitang nasa Happy Ending Bar na humingi kaagad ng tulong sa Civil Security Unit ng provincial government.

Matapos mapigil sa pag-iingay ay itinurn-over na ito sa mga kinauukulan at agad na ipinasok sa kulungan.

Sinabi rin ni Garbinez na dati nang lango sa alak ang dalawang Polish nationals bago muling mag-inuman sa nasabing resto bar. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.