2 Pinoy na Bihag ng ASG, Laya na; Jordanian Reporter, Bihag Pa Rin

KINUMPIRMA NI Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Rey Ardo na pinalaya na ng Abu Sayyaf group (ASG) ang dalawang Filipino crew na kasama ng binihag na Jordanian reporter sa Sulu.

Ayon kay Ardo, kamakalawa ng gabi pa pinalaya sa isang lugar sa Sulu ang dalawang Pinoy na sina Ramelito Vela, isang cameraman; at Buboy Letrero, isang audioman.

Pasado alas-9:00 ng gabi aniya nang mai-turnover ang dalawang bihag sa kamay ng mga kinauukulan at kasalukuyang nananatili sa kustodiya ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ng PNP.

Hindi kasamang pinalaya ang Jordanian journalist na si Baker Atyani na hanggang sa ngayon ay hawak pa rin ng ASG sa Sulu, dagdag pa ni Ardo.

Napag-alaman na humihingi ng P20 milyon na ransom ang mga kidnappers kapalit ng kanilang kalayaan.

Dumating sa nasabing lalawigan ang crew ng Jordanian journalist noong June 11, 2012 upang main-terbyu ang ilang personalidad ng bandidong grupo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.