2 Pinay na Biktima ng Illegal Recruiter, Naharang sa NAIA

NAHARANG NG mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makalabas ng bansa ang dalawang Pinay na biktima ng human trafficking patu-ngong Lebanon.

Ito’y makaraang ma-diskubre na itinago ng dalawa ang kanilang working visa sa kanilang underwear.

Sinabi ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. na pasakay na sana ang dalawang pasahero sa Philippine Airlines (PAL) flight patungong Bangkok nang masakote ng mga miyembro ng Travel Control and Enforcement Unit ng kawanihan.

Una na umanong tumanggi ang dalawang Pinay na magtatrabaho sila sa nasabing bansa kung saan sa kasalukuyan ay may deployment ban ng overseas Filipino workers (OFWs).

Napilitan din umano ang dalawa na ibunyag ang pangalan ng kanilang Lebanese employer na kinilala sa pangalang Fadi Antoine Abou Khalil na siya umanong nag-ayos sa kanilang visa.

Kasalukuyan namang sinisiyasat ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang kaso ng dalawa at ng kanilang illegal recruiter. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.