Bogus na Security Agency, nilusob; mga armas at bala, kumpiskado 2 pekeng sekyu, kulong

SWAK SA KULUNGAN ang dalawang pekeng sekyu matapos lusubin ng mga o-

peratiba ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Northern Police District, ang kanilang barracks at makumpiskahan ng mga armas at bala kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Nakapiit ngayon sa detention cell ng CIDG Northern Police ang suspek na sina Marcial Calvelo, 38, at Robert Pendon, 27, kapwa stay-in security guard sa Strike Security Services na matatagpuan sa Narra St., cor. Hemlock St., Rainbow Village, Tibagan, Deparo, Caloocan City.

Ayon kay P/Chief Insp. Manolo Salvatierra, CIDG-Northern, dakong alas-8:30 ng umaga nang isagawa ang paglusob sa barracks ng nasabing security agency, sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ni Hon. Judge Eleonor R. Kwong, laban kay Alejandro B. Navato Jr., nagmamay-ari ng nasabing security agency dahil sa sa violation of PD 1866 o RA 8294 Illegal Possession of Firearms and Ammunition.

Dito, nadatnan ng mga ahente ng mga CIDG ang mga suspek at nakuha sa mga ito ang 2 pirasong shot gun, 4 na 12 gauge magazine, 19 na 12 gauge live ammunitions, 2 combat shoes, 2 uniporme na may patches na “We Strike Security Services” at 1 logbook entries.

Ang mga nasabing nakumpiska ay pawang mga walang kaukulang papeles at hindi lisensyado pati ang ahensiya, ganu’n rin ang mga nadakip na suspek ay hindi lisensiyadong guwardiya.

Patuloy namang nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya para sa agarang pagkakadakip kay Navato.    (MARY H. SAPICO)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Bogus na Security Agency, nilusob; mga armas at bala, kumpiskado 2 pekeng sekyu, kulong

Leave a Reply

Your email address will not be published.