2 Patay sa Sunog; 1 Pa Kritikal

PATAY ANG dalawang katao habang kritikal pa ang isa sa naganap na sunog sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Halos matusta ang katawan ng mga biktimang sina Richard Gonzales, 40; at Boy Sison, 49; kapwa ng Raja Kalantiao, Daanghari ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa Tondo Medical Center sanhi ng 3rd degree burn sa katawan si Lorenzo Fernandez, 50, ng nasabing lugar.

Sa ulat, ala-1:27 ng umaga nang masunog ang tatlong bahay na pag-aari ni Gonzales kung saan hindi na nakalabas ang mga nasawi habang nabagsakan ng nagliliyab na bagay si Fernandez.

Inaalam na kung ano ang pinagsimulan ng apoy habang sasagutin naman ni Navotas Mayor John Rey Tiangco ng pagpapalibing ng mga biktima habang magbibigay rin ng tulong sa iba pang nasunugan.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.