2 patay sa salpukan ng 3 sasakyan sa Edsa

DALAWA ANG naiulat na namatay sa salpukan ng tatlong sasakyan sa ilalim ng tunnel sa kahabaan ng EDSA sa Mandaluyong City kahapon.

Base sa report ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sangkot sa aksidente ang isang bus, sport-utility vehicle at isang Asian utility vehicle (AUV).

Samantala, idineklara umanong dead on arrival sa Mandaluyong Medical Center ang mga biktima na kinilalang si Jose Portaje Jr. isa sa mga pasahero, samantalang ‘di pa nakilala ang driver ng AUV.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.