2 patay sa pananambang

LEGAZPI CITY – BLANGKO ang pulisya sa pananambang sa isang babae at lalaki sa isang sasakyan kahapon ng madaling-araw sa lungsod na ito.

Sa sketchy report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawing biktima na si Eugene Aydalla y Maubelin, 32 anyos, ng Guevarra Subd. habang kritikal ang kasama nitong si Antonio Lorcha.

Ayon sa Legazpi City PNP, pasado alas-12 ng hatinggabi noong Miyerkules nang maulinigan na lamang ang sunud-sunod na putok ng baril at nang siyasatin, natagpuan ang isang nakaparadang sasakyan sa isang kalsada kung saan naroon si Aydalla na may tama ng bala sa ulo, leeg at kaliwang kamay na sanhi ng kanyang pagkamatay.

Habang sugatan din si Lorcha bunsod din ng mga tama ng baril.

Wala namang makapagturo kung sino ang gumawa ng pananambang habang inaalam pa ang motibo ng krimen.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.