2 patay sa pamamaril sa Iloilo

 

ILOILO CITY – DALAWA ang patay sa naganap na pamamaril sa Brgy. Agusipan, Badiangan, Iloilo.

Dead on the spot ang biktima na nakilalang si Richard Olido matapos matamaan ng bala sa ulo.

Binawian naman ng buhay ang hipag ni Olido na si Jim Hente, 21-anyos, habang ginagamot sa Western Visayas Medical Center sa lungsod ng Iloilo dahil sa maraming sugat na natamo sa insidente.

Batay sa ulat ng Badiangan Municipal Police Station, pinasok ng hindi pa nakilalang suspek ang pamamahay ng mga biktima kamakailan at niratrat ang mga ito ng bala.

Sa ngayon, blangko pa rin ang pulisya kung sino ang responsable sa pamamaslang at kung ano ang motibo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

�� ag����in itong Jueteng ni TS, dahil ba takot ka kay “Papa Mayor” o tumatanggap ka rin? Ha?

 

 

HINDI LAMANG SA Maguindanao nananalasa ang kademonyohan ng mga Ampatuan.

Na dahil sa kanilang pera, impluwensya at “private army” ay simpleng-simple lamang kung gumawa ng mga karumal-dumal na krimen!

Maging dito mismo sa Metro Manila ay meron ding ganito.

Partikular na tinutukoy natin, parekoy, ay ang Lungsod ng Caloocan, kung saan matatagpuan ang lupain na kasalukuyang nasa korte ang kaso sa pagitan ng mga 30,000 residenteng nakatira Brgy. 181 at Brgy 182 na ayon sa mga dokumento ay nasa 50 years nang nakatira sa nasabing lupain na inaangkin naman ng Carmel Development Inc. (CDI)

Ang CDI ay pag-aari ng pamilyang Araneta. Kung ang pag-uusapan, parekoy, ay pera, alam ng lahat kung gaano kayaman ang mga Araneta.

Wala ring kuwestiyon sa kapangyarihan dahil alam din ng lahat kung gaano ang kapangyarihan ngayon ni DOTC Sec. Mar Araneta Roxas.

At ang “private army” ng mga ito ay mismong ang kanilang security company na Securecor, kung saan ang mga guwardiya ay kinabibilangan ng mga dating pulis at mga dating sundalo.

Noon lamang Sabado ng umaga, walang awang pinaslang ng nasabing “private army” ng Araneta ang dalawang katao at anim pa ang sugatan.

Para lamang pumapatay ng manok ang mga halimaw na ito… talagang walang pinag-iba sa gawain ng mga Ampatuan.

Ang masakit, ginawa ang krimen sa gitna ng kalsada, araw, sa gitna ng maraming tao at sa mismong harapan ng mga pulis!

Tingnan ninyo, parekoy, kung gaano kaimpluwensya itong mga Ampatuan ng Caloocan…

Walang magawa ang mga pulis kahit sa harapan nila ginawa ang krimen at maging ang kanilang detachment ay pinagbabaril!

At ang mga baril ng nasabing mga security guard o private army ng Araneta? Armalite, M14, cal. 45, shot-gun at iba pang matataas na kalibreng baril.

Maliwanag pa sa sikat ng araw, na ang karumal-dumal na krimen na ito na isinagawa ng private army ng Araneta o Ampatuan ng Caloocan ay patikim pa lang sa mismong Metro Manila ng impluwensya ni Mar Araneta Roxas.

At ito, parekoy, ay bahagi ng “matuwid na daan” ni P-Noy!

Pwe!!!

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.