2 patay sa pamamaril sa handaan

 

DALAWA ANG PATAY nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin sa bayan ng Malita, Davao del Sur, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Dolly Kasim, barangay tanod at isang Totong Godoyon. Limang iba pa ang nasugatan sa insidente kabilang ang isang anim na taong gulang.

Ayon kay SPO1 Carlito Nailes, Malita Police Investigator, naganap  ang pag-atake sa baybayin ng Sitio Agdao sa Barangay  Tubalan, alas-9:30 ng gabi.

Ipinagdiriwang aniya ng mga biktima ang nalalapit na kasal ng kanilang kaanak sa bahay ni Anacleto Basilan nang dumating ang mga armadong lalaki lulan ng motor banca. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.