2 patay sa pagsalpok ng kotse sa barangay hall

NAGA CITY – DEAD-on-the-spot ang driver habang dead-on-arrival naman sa Bicol Medical Center ang kasama-han nito matapos na sumalpok ang sinasakyang kotse sa barangay hall ng Mabulo, Naga City.

Ang biktima na isang optometrist ay nakilalang si Edwin Violeta, 33, ng Zone 1-B, Brgy. Tinangis, Pili, Camarines Sur.

Habang ang kasamahan naman nito ay nakilala lamang sa pangalang Rainier na umano’y ahente ng isang subdivision at dating taxi driver.

Sa pagsisiyasat ng PNP, lumalabas na pasado ala-1:30 ng madaling-araw kamakailan habang matuling binabaybay ng kotse ang Maharlika Highway nang sa hindi malamang dahilan ay gumewang-gewang ito sa daan at biglang sumalpok sa barangay hall.

Wasak ang pader nito at durog naman ang unahang bahagi ng sinasakyan ng mga biktima na Toyota Corola Sedan na may plakang DEJ 491.

Sa ngayon, patuloy na inaalam ng PNP kung ano ang tunay na dahilan sa likod ng naturang insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.