2 Patay sa Pagsalakay ng NPA sa Cafgu Detachment

PATAY ANG isang miyembro ng New People’s Army at isang kagawad ng Cafgu habang sugatan ang anim pa sa engkuwentro sa Agusan del Norte, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang namatay na Cafgu member sa alyas Rara habang hindi pa nakikilala ang rebelde.

Sugatan naman ang magkakapatid na sina Raymark Cablay, 18; Jessabel Cablay, 14; at Jan Marie Cablay, 13; kasama ang kanilang amang si Fortunato, 80-anyos.

Batay sa ulat na nakara-ting sa Camp Crame, dakong alas-4 ng madaling-araw nang maganap ang engkwentro sa Purok 2, Brgy. San Antonio, RTR, Agusan del Norte.

Tumagal nang apat na oras ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at may 300 rebeldeng lumusob sa Cafgu detachment.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.