2 Patay sa Pagbangga ng Truck sa Pader

PATAY ANG dalawang lalaki matapos bumangga ang kanilang sinasakyang truck sa bayan ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental.

Kinilala ang mga biktima na sina Joey Aurillo, 26, residente ng Barangay Magallon Cadre, bayan ng Moises Padilla at Julius Onding, 35, residente rin ng nasabing lugar.

Si Aurillo ang helper ng nasabing trucking ng tubo at driver naman si Onting ng truck na nanggaling sa lungsod ng Victorias at papauwi na sana sa bayan ng Moises Padilla.

Ayon kay P/Insp. Vanessa Sonoy, hepe ng Pontevedra PNP, nawalan ng control ang driver ng truck at bumangga sa pader ng isang bodega sa Barangay PSB saka natumba sa kanal.

Dinala pa sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa lungsod ng Bacolod si Aurillo ngunit agad naman itong binawian ng buhay dahil sa cardiac arrest.

Samantalang dead on the spot naman si Onting dahil sa malubhang sugat na natamo.

Hinala ng pulisya, nasa  impluwensya ng alak ang mga biktima nang maganap ang trahedya.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.